hindi ko alam.. nagsasawa na ata ako..i want to work it out..pero kung magmamatigas pa sya, bahala na sya sa lelang nya..
“hayyy..panibagong hayy..”
Posted in Uncategorized on Oktubre 9, 2008 by npurnadahindi na naman ako nakakapagblog ng nakaraan..hmmpf..medyo busy..kakagawa ng project..malapit na kasi deadline eh..patay na naman ako kay mama..daming ko na namang INC sa grades hehe plus Pula pa ang ink.. Basahin ang iba pa »
“tatanga-tanga”
Posted in Uncategorized on Oktubre 6, 2008 by npurnadaanu kaya mararamdaman nyo if someone tells you na you’re tatanga-tanga? well, nangyari yan sakin kani-kanina lang.. Basahin ang iba pa »
“ang di katanggap-tanggap”
Posted in buhay ng kung sinu-sino on Oktubre 6, 2008 by npurnadaang istorya ng buhay ni micheal. napakahalaga ng buhay. pero ni isa man sa atin ay naguguluhan kung anong purpose ng tao bakit nabubuhay..kumakain, nagtatrabaho, nagpapagod at matutulog pero hindi parin natin masagot ang katanungan na matagal nang isang palaisipan..kaw alam mo ba? Basahin ang iba pa »
“hayy..binabawi ko na..”
Posted in buhay ng kung sinu-sino on Oktubre 4, 2008 by npurnadaang buhay ni victoria. wala talaga ako magawa ngayong nakaraang araw..masayado ng nakakapanibago ang buhay..kelan lang masaya si victoria ngayon hindi na..parang napakadali ng mga pangyayari..isang click lang bigla na lang nawala na parang bula..
“ngayon ang pagbabago”
Posted in Uncategorized on Oktubre 3, 2008 by npurnadaano kaya kung magbago ako..
pnu naman kasi puros dawit sarili ko ang iknkwento ko..maganda sana kung ikwento ko ang buhay ng ibang tao..hindi dahil sa chismosa ako kundi yun ang nakikita ko o makikita ko sa kanila daba?? hmmmppff..
ngayon ang araw ng pagbabago!! hehehaha..
no more blues..!!!
me + blues = walang mangyayari..
hehe..mas maganda kung..
buhay nila+katatawanan+drama+blah, blah, blah..= blog ko..
wahahahaha..ayoko na magkwento tungkol sa sarili ko.. kala ko kasi napakadali lang..hindi pala.. kung magkamali man ako..sarili kong katangahan at ayaw ko ng malaman ng iba yun..diba?? haaayyy..ewan ko ba.. pero..
NGAYON ANG PAGBABAGO!!!
“on-the-job-training”
Posted in npurnada at school on Oktubre 3, 2008 by npurnadailang araw na ako na nagOJT pero naboboring talaga..hmpf! pinakauna bawal ang ganito at blah, blah, blah.. hindi ko alam kong anong gagawin ko para naman mag-enjoy ako dun..pero hindi ko talaga linya ang ganung bagay tulad na lang ng pagttsek ng kung anu-ano.. kaya siguro wala akong magawa kundi ang tumunganga na lang..
aminado ako na mahirap para sa kanila ang trabaho nila pero hhhAAALLLeeeRRRr anong silbi ko kung hindi ako matututo daba????? dapat itrain nila ako pero ang nangyayari para akong hangin, hindi nakikita..hmmpff..di rin pinapansin..
dahil sa computer course ang kinuha ko, nagdala ako ng laptop dun..pero..
isang malaking pero..
pinagsabihan nila ako na bawal daw..why kaya???? hindi ko alam pero napakamalas ng pagbungad ng buwan na to!!! hmmpf..problema dito, problema jan..
cenxa na medyo nega ako ngayon..di ko kasi mapigilan ehh..ggRRrr…
“waaAAhh..!!!!!”
Posted in Uncategorized on Oktubre 3, 2008 by npurnada“kurso ko”
Posted in seryosong usapan on Setyembre 27, 2008 by npurnadagraduating palang ako sa high school noon. lagi kong iniisip kung anong gusto kong maging..
naaalala ko pa nun sabi ko.. gusto kong maging teacher. sunod doctor, maging simpleng empleyado sa isang napakalaking kompanya, makapunta sa ibang bansa, makapagtrabaho sa canada, taiwan, new york etc. hanggang umabot na ako sa puntong wala na..
wala na dahil sa sobrang dami ng gusto kong maging ay parang nawalan na ako ng amor sa mga bagay na yan..dagdagan pa ng kagustuhan ng ibang tao..”eto ang kursong nababagay sayo kasi ganyan, ganito..” cempre money always matter..lalo na kapag gusto mong umunlad sa buhay..meron pang kasabay na “mas in demand ‘to ngayon kaya eto nalang..”
pero narealized kong nakakapagod palang gawin ang mga bagay na di mo naman gusto..pinakauna, pipilitin mong mahalin ang trabahong ayaw mo pero kailangan..ikalawa, maboboring ka dahil hindi mo hilig ang mga ginagawa mo..ikatlo, kailangan mong pakisamahan ang mga taong walang pakikisama..pang-apat, iisipin mo ang mga obligasyon mo bilang isa sa membro ng isang pamilya, di ka magiging masaya, madalas tatamadin ka pa..pinakahuli, ang pinakaayaw ko ay pagsisisihan mo na pumasok ka sa isang kursong hindi mo naman gusto..
di ka uunlad, matitigang ka pa sa kakaisip ng mga problema at kadalasan wala pang nakukuhang trabaho na naaayon sa kursong kinuha o pinili mo..
kakalungkot noh? karamihan kasi satin iniisip ang sariling kabutihan NGAYON pero hindi nila iniisip na mas mahalaga ang BUKAS..
kaya nga kapag inuutusan ako..
mama ko: maglaba ka ngayon..
sagot ko: bukas na lang..
mas mahalaga kasi ang bukas eh..kaya yun tambak na labahan ko.. wala na nga ako sinusuot eh.. lahat marurumi na..
(ganun ba un??? actually, hindi..hindi tamang tularan ang bagay na yan..*isang pilosopong halimbawa ni Npurnada..)
ang katangahan ko ginawa ko ng libangan..
nakalimutan ko kasi na kahit kelan di nauubusan ng bukas. pero di pa naman huli ang lahat sakin, bata pa ako at..nag-uumpisa palang ako..
- itong artikulong ito ay base lamang sa nakikita ko, pagchika-chika sa matatanda, sa payo ni mama at ng ibang tao sa paligid ko pati na rin sa pusa ko..
kaya salamat sa inyo..
“kung mag-iiwan ka, wag yung ano..”
Posted in simpleng balbalan on Setyembre 27, 2008 by npurnada
Naglakad kami sa gilid ng highway..
Aaminin ko..
kulang kasi ung pamasahe namin eh..
Panu nadaming gustong sumama papunta dun sa bahay nila randy ( classmate ko ng 2nd year high school palang ako) at siya ang taya sa pamasahe (kaso kulang budget, pwede na raw un pambili ng isang litrong matador pandagdag para di daw mabitin..)
Pero..
Isang malaking PERO..
Hindi naman kalayuan ang bahay nila mula sa school namin..Kung i-estimate ko, mula siguro sa esetann (recto) hanggang divisoria..Ganun kalayo ang bahay nila..
Medyo ginanahan kami maglakad panu enjoy..
Walang patid na kwentuhan, asaran, kulitan, pati na nga ang batukan habang naglalakad at panay trip..(madami kasi kaming na-miss eh at tsaka noon lang kami nagkasama-sama ulit..)..
Busy kasi yung iba..
Priority pag-aaral ‘kuno’ pero pasang-awa naman..
Hehehehe..
Yung iba naman ayaw paistorbo..
Kasama lagi BF & Gf nila..
Yung iba naman sabay sa agos..
Tulad ko..
Actually nakakapagod maglakad..
Malapit na kami sa bahay nila randy ng naagaw ang atensyon naming lahat sa mga nagkakarerahang mga motorbike.. pucha..gandang tingnan..pero medyo nakakatakot..
Nasa gilid lang kami ng daan, marami silang humaharurot..
Tsk! Humanga talaga ako..!!
Hanggang ngayon rinig ko parin ang tunog ng sasakyan ganda kasing pakinggan..Naiimagine ko tuloy na isa ako sa mga nagmamaneho ng motorbike..Pasunod-sunod sila..nag-uunahan pa..(natigilan talaga ako kahit nasa malayo na sila tinatanaw ko pa rin)..
May napansin si..
Ben( isang makulit na barkada): tingnan mo may nahulog oh..
Ako: sinu??? (seryusong tanong ko..)
Perchy (kaibigan namin na sobrang prangka): tanga!! Hindi sino kundi ano.??.yun ohh..
Tinuro niya..(medyo di kalayuan)..
Nahulog kasi yun ng isang rider na kasama sa nagkakarerahan sa highway mismo..
Paunahan kami na makuha yun..cempre remembrance..hehe..mula sa nangangarera..Minsan lang kasi mangyari yun eh at 1st time ko lang nga makita yun, na igno talaga ako ( igno-short for ignorante )..akala ko kasi ipinagbabawal yun kasi napaka-dangerous daw..which is true naman..(wow..english..burger! burger!)hehe..
Kala namin kung ano na yung nahulog mula dun sa isang rider..
Hahaha..pustiso lang pala..
Gulat kaming mga nagpaunahan..
Tanginangyan oh..mag-iiwan nalang, pustiso pa..Grabe laftrip ng barkada..Nag-effort pa naman akong makipag-unahan..
But..
Isang malaking BUT..
Iniisip ko parin yung rider na yun..
Kung di man embarrassing moment eh funny laftrip naman abot niya..
Ano kaya itsura niya pagbaba sa motorbike?
Alam niya kaya na nahulog pustiso niya..?
Hahahaha..ang sama ko..
Malay ko bang maluwag false teeth nun..
Di ko naman kasalanan diba?
Ano nga bang natutunan ko sa bagay na ito?
Pumunta sa magaling na dentista ( yung may experience na sa paggawa ng false teeth) at magpasukat ng maayos yung tipong kahit kelan hindi mahuhulog.
Siguraduhing nakakabit ang pustiso sa bibig.
Mag-ingat sa pagda-drive, kung hindi ikaw ang mawawala,eh yung bagay naman na mahalaga sayo.
Lastly..
Expect the unexpected..
PERO BAGO KO MAKALIMUTAN, BIRTHDAY PALA NGAYON NI BEBANG..
RUBEN E. VASQUEZ JR. In short BEBANG
(September 27, 1980… ESTE 1987 pala..)
Nasapak niya na kasi ako eh dahil sa taon ng birthday niya (matured na kasi siyang tingnan eh kaya kala ko 1980)..akalain mo ang laki ng kamay niya at ang haba pa..buti di masyado masakit namula nga eh ngayon violet ang kulay (hehehe..etchus lang).. sabi niya pa nga biro lang daw yun..sa lagay kong yun biro pa ba yun..hehehe
happy birthday po!!!
AND MORE b-days to come..






