graduating palang ako sa high school noon. lagi kong iniisip kung anong gusto kong maging..
naaalala ko pa nun sabi ko.. gusto kong maging teacher. sunod doctor, maging simpleng empleyado sa isang napakalaking kompanya, makapunta sa ibang bansa, makapagtrabaho sa canada, taiwan, new york etc. hanggang umabot na ako sa puntong wala na..
wala na dahil sa sobrang dami ng gusto kong maging ay parang nawalan na ako ng amor sa mga bagay na yan..dagdagan pa ng kagustuhan ng ibang tao..”eto ang kursong nababagay sayo kasi ganyan, ganito..” cempre money always matter..lalo na kapag gusto mong umunlad sa buhay..meron pang kasabay na “mas in demand ‘to ngayon kaya eto nalang..”
pero narealized kong nakakapagod palang gawin ang mga bagay na di mo naman gusto..pinakauna, pipilitin mong mahalin ang trabahong ayaw mo pero kailangan..ikalawa, maboboring ka dahil hindi mo hilig ang mga ginagawa mo..ikatlo, kailangan mong pakisamahan ang mga taong walang pakikisama..pang-apat, iisipin mo ang mga obligasyon mo bilang isa sa membro ng isang pamilya, di ka magiging masaya, madalas tatamadin ka pa..pinakahuli, ang pinakaayaw ko ay pagsisisihan mo na pumasok ka sa isang kursong hindi mo naman gusto..
di ka uunlad, matitigang ka pa sa kakaisip ng mga problema at kadalasan wala pang nakukuhang trabaho na naaayon sa kursong kinuha o pinili mo..
kakalungkot noh? karamihan kasi satin iniisip ang sariling kabutihan NGAYON pero hindi nila iniisip na mas mahalaga ang BUKAS..
kaya nga kapag inuutusan ako..
mama ko: maglaba ka ngayon..
sagot ko: bukas na lang..
mas mahalaga kasi ang bukas eh..kaya yun tambak na labahan ko.. wala na nga ako sinusuot eh.. lahat marurumi na..
(ganun ba un??? actually, hindi..hindi tamang tularan ang bagay na yan..*isang pilosopong halimbawa ni Npurnada..)
ang katangahan ko ginawa ko ng libangan..
nakalimutan ko kasi na kahit kelan di nauubusan ng bukas. pero di pa naman huli ang lahat sakin, bata pa ako at..nag-uumpisa palang ako..
- itong artikulong ito ay base lamang sa nakikita ko, pagchika-chika sa matatanda, sa payo ni mama at ng ibang tao sa paligid ko pati na rin sa pusa ko..
kaya salamat sa inyo..














