“hayy..binabawi ko na..”
ang buhay ni victoria. wala talaga ako magawa ngayong nakaraang araw..masayado ng nakakapanibago ang buhay..kelan lang masaya si victoria ngayon hindi na..parang napakadali ng mga pangyayari..isang click lang bigla na lang nawala na parang bula..
isang masayang umaga ang tumambad kay victoria..sya ay isang masayahing bata..
mamili sya sa palengke pagkatapos ay magluto at maglinis. napakasipag niya talaga at napakabait pa..pero..
isang malaking pero..
dumating ang di inaasahang pangyayari sa buhay niya..
sa isang liblib na iskenita ay pinagtangkaan syang patayin..pero ..
hindi sya pinatay, sa halip ay kinuha ng isang walang hiyang mama ang kanyang pagkababae..nakakalungkot isipin na isa syang rape victim..obvious naman diba? ilang araw na rin syang tulala, walang gustong kausapin at laging tinutupak! este..parang baliw..
nag-aalala na ang kanyang ina, kapag tinatanong nya ito kung anong nangyayari sa kanya sagot niya, “OK LANG AKO..” sabay iyak..yan ba ang ok? layo pa ng sagot niya..kaya pinatingin nila si victoria sa isang espesyalista (doktor).. pero..
isang malaking pero..
tumambad sa amin ang balita na siya ay dalawang buwan ng buntis..halos mabaliw ang kanyang ina..baliw na baliw sapagkat wala naman syang nakikitang manliligaw ng kanyang anak na si victoria, alangan naman na nag-all-by-herself lang sya ay mabubuntis agad ang batang yaon..
tinanong ulit ng kanyang ina si victoria, bakit?panu?saan? at sino? ang tanging sagot niya lamang ay …
“ok lang ako pero hindi ko alam..”
ano raw? hindi nya alam? baka umulpot lang ang batang un sa sinapupunan ni victoria..dun namin napagkonklusyonan na si victoria ay isang rape victim! nakakaawa..kahit ako ay awang-awa..
ilang araw na ang nakalipas, ilang buwan..ipinanganak ang isang napakainosenteng sangol..napakaganda nito at waring angel..este anghel..pero..
isang malaking pero..
ayaw ni victoria sa sanggol..napakasakit isipin na hindi man lang yawakan ni halikan iyon..lahat ng sisi ay ibinigay niya na sa bata dahil sa nagawa ng walang hiyang ama nito..kawawang bata..
anim na taong makalipas, lumaki ang bata na ubod ng lambing, mabait at maaasahan totoong nagmana nga ito sa kanyang ina..pero there is something is fishy ( may anghit ba ito? hindi..isang ugali nya na di maalis ay ang hiya.. ang batang ito ay takot na humarap sa mundong kanyang ginagalawan..) nakakalungkot talagang isipin na di pa siya pinapatawad ng kanyang ina ( sa palagay ko mali..siya pa rin ang naging pagsisisi ng kanyang ina sa pagkadalaga..)
nakakaawang bata..
octobre na naman at malapit na naman ang kaarawan ni victoria..naalala ko tuloy ang mga nangyari noon..
isang gabi, tinanong ng kanyang anak si victoria..
anak: ma’ ano po gusto mong regalo sa birthday mo?
victoria: (naniningkit ang mga mata) bakit may pambili ka? walangyakangbata ka! parareho kayo..siguro ako na ang pinakamasayang tao sa mundo kung mamamatay ka..puros kahihiyang inabot ko sainyo dahil sa inyo!!
anak: (hindi umiyak..ngumiti lang, talagang mana talaga sa kanyang ina na baliw..) ok lang po..
oktubre 4, kaarawan ni victoria..
nagsimba siya at nangumpisal, humingi ng payo sa mga paring naruon..naliwanagan tungkol sa buhay..napag-isip-isip niya na mali siya sa pagtrato sa kanyang anak..
umuwi siya na may dalang laruan at paboritong puto ng kanyang anak..ito na ang pagbabago niya sa buhay..hinanap niya ang kanyang anak..sabi ng kanyang ina na nasa kwarto daw at mahimbing na natutulog..pinuntahan nya ito at humingi ng tawad..pero..
isang malaking pero..
nakita nya itong..nakabitay sa kisame..nakatulala sya at hindi na maalis sa kanyang kinakaatayuan waring hindi niya kaya na ihakbang ang kanyang mga paa..
nakakalungkot na nagbigti ang kanyang nag-iisang anak..
sa tuwing naaalala niya to..humagulgol..umiyak ng umiyak siya lalo na ng nakita niya at nabasa ang pinakahuling sulat ng anak.. ito nakalagay sa sulat este birthday card:
“happy birthday ma’ to ang regalo ko, sana masaya ka..mahal na mahal po kita..”