“ang di katanggap-tanggap”

ang istorya ng buhay ni micheal. napakahalaga ng buhay. pero ni isa man sa atin ay naguguluhan kung anong purpose ng tao bakit nabubuhay..kumakain, nagtatrabaho, nagpapagod at matutulog pero hindi parin natin masagot ang katanungan na matagal nang isang palaisipan..kaw alam mo ba?

isang masayahing tao, mapagbigay, responsable ang pagkakakilala ko sa kanya.. kahit hindi ko siya nakasamang matagal ay napakasaya kong makilala siya..palabiro siya, sa barkada siya ang nagbibigay saya.. kay laki-laki ng pagbabago nya mula ng siya ay nagbinata na..dati-rati nakikipaglaro siya kahit tumutulo anh kanyang sipon..naghahabulan at naglalaro ng tumbang preso sa kalye..

napakaaga niyang magising tinutulungan niya ang kanyang ina na mag-ayos ng mga paninda sa kanilang sari-sari store..napakabait niya pero may pagkatuyo ang utak..medyo may isip naman pero hindi katalinuhan..yan si micheal sa pagkakakilala ko..

umalis siya at nagpuntang maynila..binago nila ang micheal na kilala ko..naging mas malawak ang utak niya sa mga bagay-bagay na dati hindi at wala siyang pakialam..nakikikompetensya sa pag-aaral at naging outstanding sa kanyang paaralan..yung ang sabi ng kanyang ina na kami ay magkakwentuhan tungkol sa kanya..

makailang taon na din kami nagkita ng dumalaw siya sa aming bahay..akala ko kung sinu na..sempre natuwa ako..hehehe kinilig ang lola niyo dahil matagal ko ng gusto ang taong yaon..pero..

isang malaking pero..

may girlfriend na sya..niligawan niya lang ito ng isang araw..tibay noh? malakas talaga ang dating niya lalo na sa mga babae..hehe pati nga ang lola niyo nagkaka-crush din pero wala na yun ngayon..talagang we meant to be friends..

grabeng pinagbago nya..halos lahat ng trip na sa kanya na..lalo na kapag food at laugh trips..tsk!tsk! sa totoo lang napakasarap niyang kasama..di ko na nga mabilang kung ilang beses niya na akong napagtripan eh..walang-hiya kasi yun..pero..ok lang it’s a part..

matanda siyang isang taon samin..maggagraduate ako ng ipakilala ko sa kanya si elissa.. close but not so closed friend ko..classmate ko kasi sya nung 1st year high ako eh..well, talagang nain-love si micheal dun..hindi lang kasi maganda ay napakahinhin pa nung babae..yun ang pagkakaakala ko..

seryusong-seryuso si micheal dun..lambingan dito, hatid-sundo, date, tawagan to the max, flowers and gifts..nagselos nga ako eh.. la na siyang time para samin..but para sa kanya, ok lang.. nkailang ulit din siyang wala sa jamming hmpf namimiz ko na talaga sya nung mga araw na un..

the time came na nag-away sila as in to the highest level ang awayan..hindi tulad noon na slight lang..ewan ko kung anong pinag-awayan nila..

umiiyak yan nang lumapit samin naaawa talaga ako sa kanya ngayon ko lang kasi yun nakitang umiyak..pero..ewan ko ba? sabi niya buntis daw si ellisa..gusto daw ipalaglag nung babae yung baby..kakaawa..pati yung angel na walang kamuwang-muwang madadamay..sabi namin wag siyang papayag at panagutan niya nalang..kasi yun naman ang dapat diba?

kung sya lang daw kayang-kaya niyang panagutan pero hindi daw siya ang ama nung dinadala ni ellisa..whhaaattt???? grabeng pagkagulat namin dun..wala daw silang ginawa ( no contact or hindi nya man lang nagalaw yung babaeng yun)..di ko akalain..kasi napakaganda ng reputasyon ng babae..hindi lang sa baranggay namin kundi kahit sa school pa..tsk!

nalungkot ako para sa kanya..pero alam niyo..disidido sya na siya ang tumanggap ng obligasyon nung lalaking tinakbuhan si ellissa..pinakauna, mahal na mahal niya daw ito at tanggap niya kahit ganun ang mga nangyari..kasi ipinako nya na sa isip niya na nabubuhay siya dahil kay ellissa..

si ellissa ang pinakasentro ng buhay niya..at para lang dun sa babaeng yun tatanggapin niya ang lahat..kakaiba diba? siya ang dahilan ng lahat..

makailang ulit na rin silang nag-usap ng girlfriend niya..pumayag na ito na panagutan at ipagpatuloy ang dinadala nito..pero..

isang malaking pero..

pagdating nila sa bahay ng babae ay hindi tinanggap ng mga magulang nito si micheal..pinalayas ito at kung anu-anong masama ang sinabi sa kanya plus bugbog sarado siya..gaya ng dati walang nagawa ang babae..( without knowing ng mga magulang ni ellissa na hindi naman sya ang ama)..tsk! malas talaga..siya na nga ang magsasalo ng lahat ng obligasyon ganun-ganun lang sya kung ituring..para lang siyang isang taong grasa kung tingnan..napakadumi kasi ng isipan ng mga magulang..pero hindi naman nila masisisi ang magulang ni ellissa..tama nga ba?

sa pagkakataong yun, nagdesisyon si ellisa na makipagbreak kay micheal..yun ay ayon na rin sa kagustuhan ng kanyang mga magulang..hmmppff..

ilang araw si micheal na tulala..parang nababaliw, umiiyak, tatawa, at nagkukulong sa kwarto nito..hindi niya kasi matanggap..nagpunta siya sa bahay ni ellissa..pero wala na yung babae..pumunta na sa probinsya..

kinausap namin si micheal..nasabi niya lang samin, hindi niya na kaya..

ilang araw makalipas, nagkakagulo sa tapat ng bahay nila..nagising ako sa sobrang ingay..dadalhin kasi si micheal sa ospital..nakita ng ina niya na nakahandusay sa higaan..walang malay at namumutla..dali-dali akong bumaba..kahit nakapantulog lang ako, butas-butas nga yun eh..sa sobrang panic , hindi rin ako nakapaghilamos..nahawakan ko pa yung kamay ni micheal pero ito’y malamig at matigas na..

alam ko kahit na ihabol pa yun sa ospital ay wala ng magagawa..

kaya pala ang dami niyang biniling sleeping pills nun hapon..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.