Imbak para sa Kategoryang aki

“ang katulong ni mama”

Posted in aki, seryosong usapan on Setyembre 25, 2008 by npurnada

umuwi ako ng maaga. himala! panu ginising ako ni bebang ( yung kaibigan kong binabae..). nag-overnight stay kasi kami sa bahay nila ate sha, ang purpose para gumawa ng project at makapaglibang.

ang kaso maaga na nga akong umuwi napagalitan parin ako. nakakalimutan ko na kasi ang obligasyon ko sa karinderia namin. kaya yun, halos umusok ilong ni mama..pasaway kasi kaming mga magkakapatid. kaya yun, sa ayaw ko man o sa hindi, kailangan kong tumulong.

makalipas ng ilang oras sa paglilinis ng bahay namin, nag-volunteer akong magluto sa karinderia namin (pampalubag loob kay mama). lumalabas kasi na wala na akong hiya eh, grabe pa naman paghihirap niya samin which is totoo naman.

habang nagluluto ako may napansin akong kahinahinala sa katulong ni mama. ewan ko kung anong pinagkakaabalahan niya pero panay hawak, buklat ng bag niya. well, kung ano man yun wala naman akong pakialam dun. naintriga lang kasi ako. hindi naman kasi ganun ang dati naming katulong, si ate pining ( na kapatid ng current katulong ni mama). mas bata pa kesa sa akin ang katulong niya ngayon, siguro mga 2 taon ang agwat ko sa kanya. kapapasok pa lang niya last week after umalis si ate pining.( umalis kasi mag-aasawa na daw..effect!). nirekomenda sya ng kapatid niya total daw wala yung trabaho at patambay-tambay lang daw dun sa bahay ni nana gunding ( amiga ni mama at kamag-anak nila).

ilang araw palang siya sa bahay kaya yun palang ang nalalaman ko tungkol sa current katulong ni mama. maliban na lang sa pagiging aktibo nito kapag inuutusan ni mama na mamalengke at sa pagiging bibo (panu naman kasi medyo may pagkamadaldal in a sense na hindi siya nauubusan ng istorya). nakuha din niya agad ang loob namin. tsaka tiwala na din kasi kami dahil kapatid siya ni ate pining.

nasa kasagsagan na ako ng pagluluto ng maalala ko ang wallet na inilagay ko sa gilid ng pader. cempre sakin ang wallet na yun, wala ng iba. sanay kasi akong ilagay kung saan-saan yun eh. kasi wala namang magtatangkang kunin yun. maliban sa sira-sira na, wala na din magkakagustong gamitin yun..(maliban nalang sakin, may sentimental value kasi yun eh..kahit papanu..) pero kahit ganun yun nagagamit pa naman. minsan nga pinagtatawanan ako eh panu may pera naman akong pangbili kaso ayaw ko lang..

matipid o kahit na kuripot ang tawag nila sakin, ok lang.. as long as..

ang akala kong bagay na walang magtatangka ay nadun parin sa gilid ng pader pero..

nabigla lang ako ng makitang nasa ibang posisyon na ang aking wallet. nasanay kasi akong tandaan kung paano at saan ko inilagay ang bagay na iniiwan ko. dun palang sa pagkakakilanlan ko, alam ko ng may gumalaw o nakialam sa gamit ko. kaya dali-dali kong tsenek ang laman nun. dun ko napagtanto na kulang na ang perang nandun. hindi naman masyadong marami ang perang nawawala pero.. 40 pesos din yun. para sakin malaking halaga na yun. kung iisipin mo maraming bata ang nagugutom ngayon at hindi makapag-aral (in real world, kasi kulang sila sa financial). at sakin mahalaga din naman ang pera noh! even if it’s a 50centavos..

sandali akong nagmuni-muni..

bumalik sa pagluluto..

pagkatapos, “ma, kinuha mo ba yung perang nandun sa wallet ko?” mahinahon lang na boses pero nakatingin sa current maid ni mama.. “ano akala mo sa akin, magnanakaw? baka nagastos mo lang yun kahapon..” ang sagot niya.. naningkit ang mga mata ko hindi naman ako kasing gastos tulad ng mga kapatid ko.. bigla ko na lang naisip na naisahan ako ng magnanakaw.. siguro nakakunot na noon ang noo ko.. at ramdam ko talaga ang pagkainis..late reaction kasi ang brain ko.. bakit kasi ngayon ko lang naisip..(nanakawan ako sa sarili kong lugar..)

ilang segundo ng pagmuni-muni..

bakit kaya balisa ang katulong ni mama? naging kakaiba ang kilos nun. kaya kahit labag sa batas na magsearch sa mga private properties kahit na walang consent sa kanya ay ginawa ko. at presto!!! nakita ko ang perang yun sa bag na dala niya sa trabaho..( hindi ko gawain un ah..kailangan ko lang kasing gawin).

tinawag ko siya at..

ako: sayo ba ang perang to?

maid ni mama: oo..

ako: sure ka? (tonong naninigurado sabay taas ng isa kong kilay, hindi ko kasi mapigilan eh..)

saglit siyang na natigilan..

maid ni mama: oo..pi-pinapalitan ko… kasi yung 50 pesos ko eh..(utal-utal na boses).

ako: ang alam ko kasi sakin ang perang to’ eh..

( panu.. marami akong palatandaan dun..maliban sa pagiging bago nun eh may mga sulat at drawing pa yun.. na gawa ko mismo dun palang sa bahay nila ate sha..at maliban dun..dahil sa pagka-weird ko.. bago ko inilalagay ang pera ko sa wallet ay tinitiklop ko muna ang gilid nun..nasanay kasi akong ganun eh..)

wala siya nagawa ng kunin ko ang perang yun. pinagalitan pa nga ako ni mama eh. masama daw ang mangbintang. pero di naman ako nambibintang eh.. i know my limitation bilang tao.. my evidence are enough to prove it. tsaka kung tutuusin 3 lang kaming nandun..

ano namang iisipin ko, ninakawan ko ang sarili ko? (BAD..that’s BAD..hindi pa ako baliw noh..)

then later naniwala na din si mama sakin.. hindi dahil anak niya ako.naniwala siya ng magkwentuhan sila nina nana gunding.. simula daw kasing nag-stay ung batang dun sa bahay nila ay palagi na daw may nawawalan. kaya yun…

WAG DAW MAGTITIWALA AGAD..

i miss you vhee..

Posted in aki on Setyembre 23, 2008 by npurnada

whatatatata!!!!

ilang segundo, ilang minuto, oras, araw at taon na din ang lumipas..

gasgas na din ang mga bagay na nangyari na patuloy parin na iniisip ng isip ko..

nakakainis ka kasi..

at nabigla din ako sa mga nangyari..

panu naman kasi di ko naman akalain na mangyayari un eh..

nagawa mo pang magsinungaling sakin..

diba kaibigan kita?

bakit gnun?

pinagkatiwalaan kita tulad ng pagtitiwala ko kay mama pero binalewala mo yun..

but..

isang malaking BUT..

kahit ganun namimiss din kita..

at

kahit papanu nakilala naman kita..

bilang isang bantag na mangungutang, na hindi man lang makaalalang makabayad..

bilang isang pasaway na mangingibig na di man lang iniisip kung tama o mali ang ginagawa..

bilang isang nangunguna sa listahan ng mga walkout-ers, na medyo nananadya na mang-asar at mang-inis..

bilang isang tao na kala mo totoo pero…

and most of all,

i have enough reason to tell you this..

i hate people who are using others (especially me) for his own sake!

i hate people who lies enough to hurt me so bad..

i hated you for being one of them..

but..

isang malaking BUT..

thank you for being my friend..

and i miss you..

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.