“waaAAhh..!!!!!”

Posted in Uncategorized on Oktubre 3, 2008 by npurnada

nakakarindi at nakakainis pa minsan-minsan..

Basahin ang iba pa »

“kurso ko”

Posted in seryosong usapan on Setyembre 27, 2008 by npurnada

graduating palang ako sa high school noon. lagi kong iniisip kung anong gusto kong maging..

naaalala ko pa nun sabi ko.. gusto kong maging teacher. sunod doctor, maging simpleng empleyado sa isang napakalaking kompanya, makapunta sa ibang bansa, makapagtrabaho sa canada, taiwan, new york etc. hanggang umabot na ako sa puntong wala na..

 wala na dahil sa sobrang dami ng gusto kong maging ay parang nawalan na ako ng amor sa mga bagay na yan..dagdagan pa ng kagustuhan ng ibang tao..”eto ang kursong nababagay sayo kasi ganyan, ganito..” cempre money always matter..lalo na kapag gusto mong umunlad sa buhay..meron pang kasabay na “mas in demand ‘to ngayon kaya eto nalang..”

pero narealized kong nakakapagod palang gawin ang mga bagay na di mo naman gusto..pinakauna, pipilitin mong mahalin ang trabahong ayaw mo pero kailangan..ikalawa, maboboring ka dahil hindi mo hilig ang mga ginagawa mo..ikatlo, kailangan mong pakisamahan ang mga taong walang pakikisama..pang-apat, iisipin mo ang mga obligasyon mo bilang isa sa membro ng isang pamilya, di ka magiging masaya, madalas tatamadin ka pa..pinakahuli, ang pinakaayaw ko ay pagsisisihan mo na pumasok ka sa isang kursong hindi mo naman gusto..

di ka uunlad, matitigang ka pa sa kakaisip ng mga problema at kadalasan wala pang nakukuhang trabaho na naaayon sa kursong kinuha o pinili mo..

kakalungkot noh? karamihan kasi satin iniisip ang sariling kabutihan NGAYON pero hindi nila iniisip na mas mahalaga ang BUKAS..

kaya nga kapag inuutusan ako..

mama ko: maglaba ka ngayon..

sagot ko: bukas na lang..

mas mahalaga kasi ang bukas eh..kaya yun tambak na labahan ko.. wala na nga ako sinusuot eh.. lahat marurumi na..

(ganun ba un??? actually, hindi..hindi tamang tularan ang bagay na yan..*isang pilosopong halimbawa ni Npurnada..)

ang katangahan ko ginawa ko ng libangan..

nakalimutan ko kasi na kahit kelan di nauubusan ng bukas. pero di pa naman huli ang lahat sakin, bata pa ako at..nag-uumpisa palang ako..

- itong artikulong ito ay base lamang sa nakikita ko, pagchika-chika sa matatanda, sa payo ni mama at ng ibang tao sa paligid ko pati na rin sa pusa ko..

 kaya salamat sa inyo..

 

 

“kung mag-iiwan ka, wag yung ano..”

Posted in simpleng balbalan on Setyembre 27, 2008 by npurnada

 

Naglakad kami sa gilid ng highway..

Aaminin ko..

kulang kasi ung pamasahe namin eh..

Panu nadaming gustong sumama papunta dun sa bahay nila randy ( classmate ko ng 2nd year high school palang ako) at siya ang taya sa pamasahe (kaso kulang budget, pwede na raw un pambili ng isang litrong matador pandagdag para di daw mabitin..)

Pero.. 

Isang malaking PERO..

Hindi naman kalayuan ang bahay nila mula sa school namin..Kung i-estimate ko, mula siguro sa esetann (recto) hanggang divisoria..Ganun kalayo ang bahay nila..

Medyo ginanahan kami maglakad panu enjoy..

Walang patid na kwentuhan, asaran, kulitan, pati na nga ang batukan habang naglalakad at panay trip..(madami kasi kaming na-miss eh at tsaka noon lang kami nagkasama-sama ulit..)..

 Busy kasi yung iba..

Priority pag-aaral ‘kuno’ pero pasang-awa naman..

Hehehehe.. 

Yung iba naman ayaw paistorbo..

Kasama lagi BF & Gf nila.. 

Yung iba naman sabay sa agos..

Tulad ko..

 Actually nakakapagod maglakad.. 

Malapit na kami sa bahay nila randy ng naagaw ang atensyon naming lahat sa mga nagkakarerahang mga motorbike.. pucha..gandang tingnan..pero medyo nakakatakot..

Nasa gilid lang kami ng daan, marami silang humaharurot..

Tsk! Humanga talaga ako..!!

Hanggang ngayon rinig ko parin ang tunog ng sasakyan ganda kasing pakinggan..Naiimagine ko tuloy na isa ako sa mga nagmamaneho ng motorbike..Pasunod-sunod sila..nag-uunahan pa..(natigilan talaga ako kahit nasa malayo na sila tinatanaw ko pa rin)..

May napansin si..

Ben( isang makulit na barkada): tingnan mo may nahulog oh..

Ako: sinu??? (seryusong tanong ko..)

Perchy (kaibigan namin na sobrang prangka): tanga!! Hindi sino kundi ano.??.yun ohh..

 Tinuro niya..(medyo di kalayuan)..

Nahulog kasi yun ng isang rider na kasama sa nagkakarerahan sa highway mismo..

 Paunahan kami na makuha yun..cempre remembrance..hehe..mula sa nangangarera..Minsan lang kasi mangyari yun eh at 1st time ko lang nga makita yun, na igno talaga ako ( igno-short for ignorante )..akala ko kasi ipinagbabawal yun kasi napaka-dangerous daw..which is true naman..(wow..english..burger! burger!)hehe..

 Kala namin kung ano na yung nahulog mula dun sa isang rider..

Hahaha..pustiso lang pala..

 Gulat kaming mga nagpaunahan..

Tanginangyan oh..mag-iiwan nalang, pustiso pa..Grabe laftrip ng barkada..Nag-effort pa naman akong makipag-unahan..

But.. 

Isang malaking BUT..

Iniisip ko parin yung rider na yun..

Kung di man embarrassing moment eh funny laftrip naman abot niya..

Ano kaya itsura niya pagbaba sa motorbike?

Alam niya kaya na nahulog pustiso niya..?

 

Hahahaha..ang sama ko..

Malay ko bang maluwag false teeth nun..

Di ko naman kasalanan diba?

 

 

 

Ano nga bang natutunan ko sa bagay na ito?

 Pumunta sa magaling na dentista ( yung may experience na sa paggawa ng false teeth) at magpasukat ng maayos yung tipong kahit kelan hindi mahuhulog.

Siguraduhing nakakabit ang pustiso sa bibig.

Mag-ingat sa pagda-drive, kung hindi ikaw ang mawawala,eh yung bagay naman na mahalaga sayo.

Lastly..

Expect the unexpected..

PERO BAGO KO MAKALIMUTAN, BIRTHDAY PALA NGAYON NI BEBANG..

RUBEN E. VASQUEZ JR. In short BEBANG

(September 27, 1980… ESTE 1987 pala..)

Nasapak niya na kasi ako eh dahil sa taon ng birthday niya (matured na kasi siyang tingnan eh kaya kala ko 1980)..akalain mo ang laki ng kamay niya at ang haba pa..buti di masyado masakit namula nga eh ngayon violet ang kulay (hehehe..etchus lang).. sabi niya pa nga biro lang daw yun..sa lagay kong yun biro pa ba yun..hehehe

 happy birthday po!!!

AND MORE b-days to come..

Comfort Room

Posted in npurnada at school, simpleng balbalan on Setyembre 26, 2008 by npurnada

“nakakahiya mang aminin..

nakakainis mang isipin..

pero kailangan kong tanggapin.”

– yan ang lagi kong sinasabi lalo na kapag natatampad ako sa CR ng mga babae..

baguhan palang ako sa school noon.. humanga talaga nung unang pasukan palang, magandang tanawin natatanaw ko lalo na kapag tumitingin ako sa bintana ng room namin, marami ding halaman, at may bahay-kubo pa na pwedeng tambayan..cempre konti palang ang mga estudyanteng pumapasok nun..

napakaliit lang ng campus namin, hindi katulad ng ateneo o kaya UNC na malawak ( maximum of 150 students lang kasing kayang iaccomudate ng school, kaya swerte ako dahil nakapasok ako dito) kasi napakalinis.. lalo na ung CR.. pwede na ngang tulugan eh, at para sakin yun ang pinakamagandang CR ever.., first year college ako nun..

makalipas ng isang taon (ngayon..)

may mga naggraduate na, may mga nagenroll na mga baguhan na ikinasaya ko.. cempre bagong kakilala at bagong kalukuhan at iba pa..

pero may nagbago..

ang CR..(ewww!!!) ang dating maganda ngayon ay laspag na..

tsk! nakakainis..

tanginangyan oh..kada pasok ko sa CR amoy wiwi pa..malinis naman sanang tingnan ang kaso ang amoy effect!! hindi mo kakayanin pero nung isang araw pinagtiyagaan ko na lang..panu hindi na kasi nakaya ng pantog ko(ang malas!!!!)..

hindi naman yun ganun dati eh..kinausap ko nga yung S.A. na tumutulong sa paglilinis ng buong Campus kaso sabi nya nililinisan naman daw nila yung mabuti ( lalo na sa umaga pagpasok nila at hapon paguwian..) ang problema daw mga estudyanteng gumagamit! kasi hindi marunong magbuhos at..

isang malaking AT..

hindi lang babae ang gumagamit ng C.R ng mga babae kundi mga lalaki at binabae ( sa mga di tanggap na lalaki)..

bwusit.. nadamay pa ako.. eh isa ako sa gumagamit ng CR eh, pero binubuhusan ko yun noh!!!

hmppf kung di lang labag dito sa school, maglalagay ako ng hidden o spy camera dyan sa CR para naman mahuli kung sino ang taong hindi marunong gumamit ng CR..

kaso kapag ginawa ko yun..

hahahaha baka ireklamo ako ng buong estudyante at teachers na gumagamit ng CR dun (if ever na malaman nila)..

kung ikaw kaya..

imagine makikita kang nakahubad ang baba hehe..lalo naman kung makita ang p*kp*k o kaya t*t* mo..hehe

scandal abot ko..

baka mata ko lang ang walang latay..

whahahahahhaha!!

“ang katulong ni mama”

Posted in aki, seryosong usapan on Setyembre 25, 2008 by npurnada

umuwi ako ng maaga. himala! panu ginising ako ni bebang ( yung kaibigan kong binabae..). nag-overnight stay kasi kami sa bahay nila ate sha, ang purpose para gumawa ng project at makapaglibang.

ang kaso maaga na nga akong umuwi napagalitan parin ako. nakakalimutan ko na kasi ang obligasyon ko sa karinderia namin. kaya yun, halos umusok ilong ni mama..pasaway kasi kaming mga magkakapatid. kaya yun, sa ayaw ko man o sa hindi, kailangan kong tumulong.

makalipas ng ilang oras sa paglilinis ng bahay namin, nag-volunteer akong magluto sa karinderia namin (pampalubag loob kay mama). lumalabas kasi na wala na akong hiya eh, grabe pa naman paghihirap niya samin which is totoo naman.

habang nagluluto ako may napansin akong kahinahinala sa katulong ni mama. ewan ko kung anong pinagkakaabalahan niya pero panay hawak, buklat ng bag niya. well, kung ano man yun wala naman akong pakialam dun. naintriga lang kasi ako. hindi naman kasi ganun ang dati naming katulong, si ate pining ( na kapatid ng current katulong ni mama). mas bata pa kesa sa akin ang katulong niya ngayon, siguro mga 2 taon ang agwat ko sa kanya. kapapasok pa lang niya last week after umalis si ate pining.( umalis kasi mag-aasawa na daw..effect!). nirekomenda sya ng kapatid niya total daw wala yung trabaho at patambay-tambay lang daw dun sa bahay ni nana gunding ( amiga ni mama at kamag-anak nila).

ilang araw palang siya sa bahay kaya yun palang ang nalalaman ko tungkol sa current katulong ni mama. maliban na lang sa pagiging aktibo nito kapag inuutusan ni mama na mamalengke at sa pagiging bibo (panu naman kasi medyo may pagkamadaldal in a sense na hindi siya nauubusan ng istorya). nakuha din niya agad ang loob namin. tsaka tiwala na din kasi kami dahil kapatid siya ni ate pining.

nasa kasagsagan na ako ng pagluluto ng maalala ko ang wallet na inilagay ko sa gilid ng pader. cempre sakin ang wallet na yun, wala ng iba. sanay kasi akong ilagay kung saan-saan yun eh. kasi wala namang magtatangkang kunin yun. maliban sa sira-sira na, wala na din magkakagustong gamitin yun..(maliban nalang sakin, may sentimental value kasi yun eh..kahit papanu..) pero kahit ganun yun nagagamit pa naman. minsan nga pinagtatawanan ako eh panu may pera naman akong pangbili kaso ayaw ko lang..

matipid o kahit na kuripot ang tawag nila sakin, ok lang.. as long as..

ang akala kong bagay na walang magtatangka ay nadun parin sa gilid ng pader pero..

nabigla lang ako ng makitang nasa ibang posisyon na ang aking wallet. nasanay kasi akong tandaan kung paano at saan ko inilagay ang bagay na iniiwan ko. dun palang sa pagkakakilanlan ko, alam ko ng may gumalaw o nakialam sa gamit ko. kaya dali-dali kong tsenek ang laman nun. dun ko napagtanto na kulang na ang perang nandun. hindi naman masyadong marami ang perang nawawala pero.. 40 pesos din yun. para sakin malaking halaga na yun. kung iisipin mo maraming bata ang nagugutom ngayon at hindi makapag-aral (in real world, kasi kulang sila sa financial). at sakin mahalaga din naman ang pera noh! even if it’s a 50centavos..

sandali akong nagmuni-muni..

bumalik sa pagluluto..

pagkatapos, “ma, kinuha mo ba yung perang nandun sa wallet ko?” mahinahon lang na boses pero nakatingin sa current maid ni mama.. “ano akala mo sa akin, magnanakaw? baka nagastos mo lang yun kahapon..” ang sagot niya.. naningkit ang mga mata ko hindi naman ako kasing gastos tulad ng mga kapatid ko.. bigla ko na lang naisip na naisahan ako ng magnanakaw.. siguro nakakunot na noon ang noo ko.. at ramdam ko talaga ang pagkainis..late reaction kasi ang brain ko.. bakit kasi ngayon ko lang naisip..(nanakawan ako sa sarili kong lugar..)

ilang segundo ng pagmuni-muni..

bakit kaya balisa ang katulong ni mama? naging kakaiba ang kilos nun. kaya kahit labag sa batas na magsearch sa mga private properties kahit na walang consent sa kanya ay ginawa ko. at presto!!! nakita ko ang perang yun sa bag na dala niya sa trabaho..( hindi ko gawain un ah..kailangan ko lang kasing gawin).

tinawag ko siya at..

ako: sayo ba ang perang to?

maid ni mama: oo..

ako: sure ka? (tonong naninigurado sabay taas ng isa kong kilay, hindi ko kasi mapigilan eh..)

saglit siyang na natigilan..

maid ni mama: oo..pi-pinapalitan ko… kasi yung 50 pesos ko eh..(utal-utal na boses).

ako: ang alam ko kasi sakin ang perang to’ eh..

( panu.. marami akong palatandaan dun..maliban sa pagiging bago nun eh may mga sulat at drawing pa yun.. na gawa ko mismo dun palang sa bahay nila ate sha..at maliban dun..dahil sa pagka-weird ko.. bago ko inilalagay ang pera ko sa wallet ay tinitiklop ko muna ang gilid nun..nasanay kasi akong ganun eh..)

wala siya nagawa ng kunin ko ang perang yun. pinagalitan pa nga ako ni mama eh. masama daw ang mangbintang. pero di naman ako nambibintang eh.. i know my limitation bilang tao.. my evidence are enough to prove it. tsaka kung tutuusin 3 lang kaming nandun..

ano namang iisipin ko, ninakawan ko ang sarili ko? (BAD..that’s BAD..hindi pa ako baliw noh..)

then later naniwala na din si mama sakin.. hindi dahil anak niya ako.naniwala siya ng magkwentuhan sila nina nana gunding.. simula daw kasing nag-stay ung batang dun sa bahay nila ay palagi na daw may nawawalan. kaya yun…

WAG DAW MAGTITIWALA AGAD..

i miss you vhee..

Posted in aki on Setyembre 23, 2008 by npurnada

whatatatata!!!!

ilang segundo, ilang minuto, oras, araw at taon na din ang lumipas..

gasgas na din ang mga bagay na nangyari na patuloy parin na iniisip ng isip ko..

nakakainis ka kasi..

at nabigla din ako sa mga nangyari..

panu naman kasi di ko naman akalain na mangyayari un eh..

nagawa mo pang magsinungaling sakin..

diba kaibigan kita?

bakit gnun?

pinagkatiwalaan kita tulad ng pagtitiwala ko kay mama pero binalewala mo yun..

but..

isang malaking BUT..

kahit ganun namimiss din kita..

at

kahit papanu nakilala naman kita..

bilang isang bantag na mangungutang, na hindi man lang makaalalang makabayad..

bilang isang pasaway na mangingibig na di man lang iniisip kung tama o mali ang ginagawa..

bilang isang nangunguna sa listahan ng mga walkout-ers, na medyo nananadya na mang-asar at mang-inis..

bilang isang tao na kala mo totoo pero…

and most of all,

i have enough reason to tell you this..

i hate people who are using others (especially me) for his own sake!

i hate people who lies enough to hurt me so bad..

i hated you for being one of them..

but..

isang malaking BUT..

thank you for being my friend..

and i miss you..

hay nku..

Posted in Uncategorized on Setyembre 17, 2008 by npurnada

hay nku ..

hindi ako nag OJT ngayon hehehe

naboboring na kasi ako eh..

la na naman ako maxadong ginagawa..

kaya eto’ tambay ako sa laboratory.

hehe.. pang-asar ng konti..haha

hmpf! monthsary namin ngayon,

and this is just an ordinary day..

nasa malayo na kasi xa eh..hehe..

kaya feeling free and available na naman ako..

pero alam mo, nakakalungkot..

panu kaya kong i-end up ko na tong’

relationship namin total ever since eh

maami na xang nagawang kapalpakan…

hmmpf! nevermind! i’m turning to be mdrama nanaman..

but then, kong mabasa mo man to’ , ok lang..

hehe..la naman mpupuntahan to eh!

ni wala nga akong katiwala-tiwala sayo..

but the problem is me..

hehe..

non-sense ba?

lagyan natin..

my reasons:

i’m no longer being myself- you pushing me to be someone else and that’s not me.. HINDI AKO XA! so, stop comparing!

being special to someone i love is the most important thing – but kelan mo ba naipakita sakin na special ako? akala mo ba by giving gifts and chocolates are enough? wAAAhhh..well, you’re wrong..sana naman bawat araw say something naman na ikakakilig ko like napakaganda mo ngayon (kahit etchus lang..pwede na yun). hindi mo man lang utuin kahit paminsan-minsan lang..

don’t let me to have anything -na mga bagay na ikagagalit ko like hanging up with your EX-girlfriend/s na hindi man lang ako sinasama o kya hindi man lang nagpapaalam sakin ng personal. At kung magpaalam man malalaman ko na nandun ka na pala. Ano naman akala mo sakin kapag nag-aalibi ka hindi ko malalaman kung nagsisinungaling ka? To tell you frankly malakas ang instinct ng mga girls kesa sa boys!

why you are so happy when you see me so mad? - nakakainis ka! talak ako ng talak and you don’t have any explanation minsan tatawa ka pa sa harap ko and you will say na “alam mo lumalaki butas ng ilong mo?”. Diba kakaasar yun? and then sasabihin mo there’s no big deal.. prang hindi mo ako gf nyan eh ( hindi na tayo tulad ng dati..i’m now you’re girlfriend..so don’t treat me in a sense na mamimisinterpret ko mga bagay na ginagawa mo..)

think first before you say something - hindi naman ako si superwoman para di masaktan sa lahat ng bagay na sasabihin mo.. i’m not perect and i know that! There’s a times na hindi ako kumikibo panu naman kasi natatapakan ang ego ko.. and the bad thing that i know in myself is tamad talaga ako ( kapag alam kong kaya kong gawin ang isang bagay..ung tipong madali lang.. however, you are turning so histerical! One time , you said to me na ” you must be like a carabao or a farmer…industrious enough para hangaan..” naaalala mo pa ba yang mga sinabi mo?? Ikumpara ba naman ako sa kalabaw.. mukaha ba akong kalabaw??? and the second thing is being a farmer.. di mo ba alam na luging-lugi na ang mga magsasaka? nagtatanim sila, dugo’t pawis ang iniinvest nila para makaharvest ng mga palay.. but then di mo ba naisip na mababa parin ang presyo ng palay at lalong tumataas presyo ng bigas! ayoko ngang malugi! Hardwork must be equal to success..so think! hpmf.. and the last thing is sana naging artista na lang ako para hangaan db? sometimes i’m not getting your point..

do it first before you complain - whether you like it or not pagsisilbihan mo ako! hahahaha..medyo kontrabida noh? ganun talaga ang buhay weather-weather lang yan.. panu naman kasi wala akong utos na di mo sinunod na hindi ka nagrereklamo.. but then wala ka naman nagagawa..hehehehe sa ayaw mo at gusto mo, nasusunod parin ako.. hindi naman kita ginagawang slave.. gusto ko lang pakinggan mo mga sinasabi ko.. kaso napaka-stuborn mo kaya i have no choice but to be mandatoric. so.. if i said kiss me, then kiss me!

trustworthy – alam mo naman siguro na i’m not a type of person na magtitiwala agad di ba? and you know na trust must be given to someone who deserve it.. i’m not saying na you’re not worthy enough to be trusted..and i’m not saying na di ka mapagkakatiwalaan.. but try to look at my point of view, i trust you but not that much..baka kasi mabuang ako eh.. sa sobrang pagmamahal sayo.. nakakabulag kasi.. chaka masama kapag sobra..

be the right man for me - i’m not pushing you to be some you aren’t, like you do unto me.. pero.. sometimes may kulang.. kulang kasi my mas priority ka.. everybody knows.. hindi ako ang first priority mo..and i do understand that pero mas gusto ko parin na lagi kang kasama..hmpf..but don’t mind those things..kasi happy ako knowing that you love me too..

lastly..

love me unconditionally - dito pasado ka na.. hehe.. sobra2 pa.. “kahit sino ka pa after my life and death..ikaw at ikaw parin pipilliin kong mahalin..” remember those words..? baduy mo ah..hehe joke only!!!! for me you are the best..

++++

hmmpf! mukhang nagbago ata aah!!!! kanina nagdadrama ako..but then narealized ko habang nagttype ako di ko kaya to let you go.. naalala ko kasi mga good moments na kasama ka and i think that’s enough..hmpf! nagsisenti lang siguro ako..

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.